Sunday, January 29, 2006

Sa Pisong Text


Sa Pisong Text

Piso ngang naturingan ang presyo na iyong pag-text,
Kaya naman ako'y naghahanap agad ng isa pang ka-next.
Ang iyong mga message na nagdudulot sa akin ng aliw,
Para naman malinis ang utak at puso kong may agiw.

At sino naman si ikaw na nagsabing ako'y isang jetsetter,
Ako'y hamak na trabahador dito, na siyang aking bread en butter.
Kaya naman, ako'y padalhan sana ng iyong mga letter,
Para mapasalamatan ko naman, pati na iyong mader.

O hayan, ginawa kita ng tula, na tanging para sa iyo,
Dahil gusto kong makita kang masaya, at di na parang hilo.
O hayan, napapangiti na kita, at napapasaya pa,
Kaya naman ako rin, ngayo'y naliligayahan na.

Naku po, naku po, ako yata ay nasukol,
Nahuli ako ng boss, na nagbubulakbol.
Aba't para siya pa ang may katwirang magmaktol,
Di na ako binigyan ng bonus, kahol pa ng kahol.

Kahit na nga ako'y malungkot at dito’y nalulumbay,
Walang magawa dito, kundi isipin ang buhay.
Mabuti na lamang, may nagbigay ng kulay,
Na mula sa kaibigan, dahil sa pisong kanyang alay.

Salamat po sa pisong text!!!!


- Originally Written Dated January 2008

Photos Taken at Leslie Restaurant, Tagaytay During Johan Smith's Manila Visit
Dated January 29, 2006

1 comment: