Kung na-in-loved ka na at nasaktan, siguro gets mo ito.
Maaring sa iyo ay baduy ang sinusulat ko, pero siguro naman, mayroon kahit papaano isang tao sa mundong ito, na makaka-relate dito, di ba?
Tatlo ang kuwento ng pelikula, tatlo na ang tema ay pa-tungkol sa pag-ibig…sa pagmamahal…kung paano ito umusbong…kung paano ito nawala…at kung paano nanumbalik sa bawat puso ng mga karakter ng pelikulang ito ang salitang “pagmamahal “.
Mas natutuwa akong nanoorin ang mga pelikulang tulad nito, na may laman ang mga dialogue…yun bang mapag-iisipan mo ang kahulugan nito at maiiugnay mo sa totoong buhay…maari sa personal mong karanasan o kaya sa isang kakilala mo, kaibigan mo man o mahal sa buhay.
Pero mas magiging makulay ang dating sa tainga mo kung sa iyong sarili ang pinatutungkulan nito, di ba?
Sige nga…tingnan natin ang ilang mga sinasabi ng mga karakter ng pelikulang ito.
Malay mo…sapol ang puso mo dito, okay ba?
“Sabi mo dati, minsan ang sakit kailangang nakikita…nahahawakan, para mailabas… para maiwala. Kaya ito, naisip ko na ilabas sa cassette na ito ang lahat ng sakit na nararamdaman ko…so I can let you go…so I can lose you…”
Nangyari na ba sa iyo na naging bilanggo ka ng isang kahapon. Yun bang sa tagal na panahong nagdaan, hanggangng ngayon ay tinatanong mo pa rin sa sarili mo kung naka-moved-on ka na nga ba o nandiyan pa rin siya sa puso mo at kaluluwa?
Naroon ang pangamba na mag-krus ang landas ninyo muli…na nasa sulok ng isipan mo, na habang naglalakad ka sa isang mall, makasalubong mo ang ex mo, may kasama kaya siya, asawa kaya o maging bagong lover? O baka naman, may anak na karga-karga…
O baka naman sa tuwing maririnig mo ang theme song ninyo, di mo mapigilan ang di maluha…ganyan ka ba?
Maging sa kuwentuhan man lang na kasama mo ang ilang common friends ninyo, sa isang hindi sinasadyang pagkakataon ay nabanggit ang pangalan niya…
May kirot ba sa puso mo nang marinig mo ito? Maikukubli mo ba ito sa pilit mong pag-ngiti sa mga kaibigan at kakilala? Maitatago mo ba ito sa iyong mga mata na hindi mamumula at dadaluyan ng mga luha?
O baka naman maging defensive ka lang, pero ang sugat ng puso ay naroon pa rin…
Bakit nga ba, kay hirap kalimutan ang isang taong minahal mo ng lubos?
Bakit mas lalong masakit kung malalaman mo na yung ex mo, naroon at may bago ng iba…masaya at bakit parang napakadali sa kanya ang mag-move-on?
Samantalang ikaw ay naroon pa rin at nalulunod sa pighati, na di mo malaman kung paano mabuhay ...mula nang kayo ay nagkalayo?
"Siguro nga…kailangan mong umalis. Minsan, kailangan mong gumawa ng mali…, para malaman mo na hindi iyon ang solusyon sa problema mo."
Paano nga ba ang dapat gawin?
Sa pamamagitan ng pagtakas sa realidad ng iyong buhay? Magiging bulag ka na lang ba para di makita ang mga sakit na dinaranas mo sa ngayon? O kaya’y maging bingi, upang di marinig ang sigaw ng puso na mahal mo pa rin siya sa kabila ng lahat?...
Saan nga ba dapat pumunta?
Hindi naman pagtakas ang solusyon, hindi ba? Maaring ibig sabihin nito ay lisanin mo kung ano man ang ngayon, para makita mo kung anuman ang para sa iyo bukas...
"Bullshit! Don’t you dare talk to me about pain, Lia. Hindi lang ikaw ang taong nawalan ng minahal…at hindi lang ako.
Lahat ng tao sa mundong ito…nasasaktan.
At walang obligasyon ang mundo na protektahan ka…hindi dahil sa mabait ka o meron kang mabuting puso.
Di ibig sabihin niyon ay makaka-iwas ka sa sakit… iiwanan ka o lolokohin ka.
It doesn’t work that way. Pero pinipili ng tao ang magmahal. Pinipili mo paulit-ulit…, dahil kung hindi, para mo na ring pinili na huwag ng mabuhay."
Hindi ba dapat ganyan ang iyong maging pananaw? Lahat naman tayo, nakaramdam ng ganito...kung paano ang magmahal...kung paano ang masaktan...at kung paano muling magmahal.
Dapat lang na tayo’y maging handa sa mga bagay na ito. Ika nga eh, “take the risk of getting hurt, if you want to find the love you are looking for”.
"Hinahanap ko siya kasi…kailangan kong maniwala na mayroong tao na kayang magmahal ng wagas…ng totoo…ng tunay…ng habang buhay…masama ba iyon?"
Ako rin, gusto ko rin paniwalain ang sarili ko na mayroong tao na kayang magmahal ng wagas...ng totoo...ng tunay at ng habang buhay.
Walang masama sa paghahanap ng taong ganyan….lahat naman tayo, hindi ba...ganyan ang hanap sa buhay?
Natatawa nga ako sa sarili ko, dahil simula ng ma-adik ako sa panonood ng tele-nobela, doon ko nalaman na baka nga mayroong ganoong tao na mamahalin ako ng buong-buo.
Kasi nga po, karaniwan sa mga istorya ng mga tele-nobela na ito ay tungkol sa pagmamahalan ng tunay at wagas.
Tulad yung “Love To Kill”, hanggang kamatayan ay magkasama sila.
Pati na rin yung “Love Letters”, naku, eh ilang baldeng luha ang nawala sa akin sa kakaiyak ko, isama mo pa dito yung kina Piolo at Juday, “Sa Piling Mo”.
Pero hindi ba, isa lang naman ang gusto natin sa buhay, yung maging masaya tayo?
"Handa na ito…(puso)…pasusunurin mo na lang ito…(isip). Anak, ang puso matibay…nasasaktan lang iyan…gumagaling iyan…bumabawi…ituloy mo na ang buhay mo…"
Ganyan nga, maging matibay sa “suntukan” ng pag-ibig.
Kung sakaling gumaling na ang sugat na iyong puso, di ba, dapat lang na muling sumubok kung paano ang lumaban at kung paano ang muling magmahal.
Dapat ay huwag nating gawing dahilan na nasaktan tayo minsan, para hindi tayo muling magmahal.
Handa na naman ang puso, pasunurin mo na ang iyong isip sa larangan ng pag-ibig.
"Bakit nga ba tayo nagmamahal…
Nakakatakot na nakakatuwang isipin na handa kang gawin ang lahat, para lang ibigay ang lahat, para sa pag-ibig…
May nagsabi sa akin…
Minsan, kailangang hahawakan mo yung sakit…para mapakawalan mo siya.
Kaya ginagawa ko ito ngayon,
Ibinubuhos ko ang lahat ng hinanakit ko sa mundo…
Pakakawalan ko na at magsisimula ulit ako.
Hahayaan ko na ang sarili ko na masaktan.
Hahayaan ko na ang sarili ko na maging punching bag ng mundo.
Dahil alam ko, na ako man ay manununtok at lumalaban din.
Kasi iyon naman ang point, di ba?
Ang mabuhay at malamang…nagmahal ka…at minahal ka…"
Kay sarap damhin, kung malalaman mo na minsan ay nagmahal ka, nasaktan, at handang muling magmahal…
Kaysa naman sa nagmahal ka, pero hindi mo nakayang lumaban dahil natakot kang masaktan. Dahil dito, hindi mo nalaman kung ano nga ba ang kahulugan ng nagmahal at nasaktan at muling magmamahal…
Hindi ba mas matamis isipin na kung magmahal kang muli, ay may panibagong lakas ka upang maipahayag mo ang pagmamahal mo sa buong mundo?
Hindi ba may ibang tunog na ang bawat halakhak mo sa tuwing kasama mo ang iyong mga kaibigan habang kayo’y nagkakape...
Mabanggit man ang pangalan ng dati mong minamahal, ay nakangiti ka pa rin at nagagawa mo pang magbiro…
At kung sakaling masalubong mo man siya sa mall, kasama man ang bago niyang kasintahan, taas noo mo pa itong babatiin at ngingitian na para bang ang nakita mo lang ay yaong nalayong kabigan o kakilala…
Handa ka nga ulit na muling magmahal…
Originally Written dated September 2006
Originally Written dated September 2006