Dito Sa Puso Ko…
Bakit ang daming tanong yaring puso ko,
Kung bakit ganito ang naging kapalaran ko?
Sadya nga bang ganyan ang buhay sa mundo,
Puro hapdi’t pasakit, ang hatid nito?
Bakit ang daming tanong ng aking isipan?
Lagi gulo ang isip at wala sa katwiran.
Kay sarap i-untog, sa pader kung minsan,
Pati buhok sa ulo’y, nasasabunutan.
Sige nga’t sabihin sa akin kung paano ang mabuhay?
Upang maging masaya at magkaroon ng kulay.
Nitong aking mundo na sadyang malungkot,
Na ikaw lamang ang makakapag-paikot.
Oo na, tanggap ko na…na sadyang ganito,
Ang buhay ko, pag wala ka sa tabi ko.
Ang mabuhay lamang ng masaya, ang tanging hangad ko,
Pag ikaw ay narito…dito sa puso ko.
Kaya nga, halika na at ako’y hawakan,
Akayin at dalhin sa landas na iyan.
Di ba, yan lamang ang patungong daan,
Patungo sa ating kaligayahan.
Mahalin mo sana ako, ang aking pagsumamo,
Upang ganap na makita, itong ating mundo.
Ikaw at ikaw lamang ang tanging mamahalin ko,
Iyong pagkatandaan, iyan ang aking pangako.
- Originally Written Dated December 2007
Photos Taken In Bohol last October 22, 2007
No comments:
Post a Comment