Mahal Kita…Totoo..Peksman
Marami rin akong tanong sa aking sarili,
Kung dapat nga ba, o hindi...
Ang ihain ang puso sa nakakarami,
Upang makita lamang kung may pagkakataon nga,
Na maging masaya...na maging maligaya...na maging buo ang puso...na may kasamang isa pa.
Marami pang tanong yaring puso ko,
Kung tama nga ba o mali ...
Ang pakipagsapalaran...ang makibaka...
Sa paghahanap ng konting pagmamahal...
May nagbigay naman, ngunit bigla ring naglaho,
May nag-alay naman, ngunit ako ang lumayo.
May nagtangka naman, ngunit iba ang gusto,
Sadya ngang magulo nitong aking mundo.
Dala ang hangaring maging maligaya...
Na sana balang araw nawa'y dumating na...
Nakatanaw sa kawalan, at naghihintay na lamang,
Na sana'y dumating na...ikaw...aking mahal.
Hayan na, at nasumpungan ko na...
Ang kiliti na hatid nitong pag-ibig na taglay...
Hayan na, nakikita ko na..at nararamdaman ko pa...
Ang tamis ng iyong pagmamahal, na yakap-yakap ko na.
Walang araw na dumaan na di kita naiisip,
Walang oras na lumagpas sa isip ko na di ka nawaglit.
Bawat minuto, narito ka sa puso ko,
Bawat sandali, narito ka sa diwa ko.
Kaya naman, nasabi ko na sa iyo.
"Mahal na kita, totoo...peksman!!!"
Photos taken in Camiguin Island, October 10, 2005
Originally Written Dated October 2005.